Huwebes, Agosto 27, 2015

KORAPSYON SA BANSA



Ano nga ba ang KORAPSYON?Ito ba’y nakikita sa pamahalaan? o maging sa tahanan man?


Para sa akin ito ang pambubulasa ng pera o kahit ano man. Ito ang nagdudulot ng kahirapan sa bayan o maging sa tahanan. Ito ang naging pangunahing suliranin ng ating bansa ngunit ang hindi alam ng karamihan ito’y nagaganap din maging sa sariling tahanan o sa eskwela man. Pangungupit ng pera sa magulang ang naging halimbawa ng korapsyon sa tahanaan. Pangongoleksyon ng pera sa estudyante at inilalagay naman sa bulsa ang korapsyon sa paaralan.Ngunit kung ating aalamin naman ang korapsyon sa pamhalan ay tila hindi na ito mabibilang. Maging mga local gorenment unit, ahensya at iba pa pang bahagi ng ahensya ng bobyerno ay walang tigil sa pangongorap ng pera ng bayan. At ang masaklap pa, ay walang pagbabagong nangyayari sa ating bansa. Marami pa ring mga taong dukha, nagugutom at palaboy sa kalye pati na rin sa mga sapa.Alam natin na marami pa dito ang nangyayari sa bansa natin. Hahayaan lang ba natin itong lumaganap? Panatilihing dukha ang dukha? At hayaan silang pakinabangan ang pera ng ating bayan?


Katanungang ito ay tumatakbo sa isipan ng mga tao “KORAPSYON ba ay masusugpo pa? ATIN bang mararanasan ang mamuhay ng ginhawa?”

Tayo’y magsikilos at sugpuin ang KORAPSYON. Umpisahan ito sa sarili, tahanan at maging sa eskwelahan man. Atin itong ipalaganap sa lipunan para sa ikagaganda at igiginhawa ng buhay KO, IYO at sa LAHAT NG TAO!